Paggalang: Ang Tunay na Yaman ng Makataong Lipunan
Ang paggalang ay isang mahalagang halaga sa kulturang Pilipino na nagpapakita ng pagpapahalaga, pagrespeto, at pag-aalala sa kapwa. Isa itong ugali na itinuturo mula pagkabata at nagsisilbing gabay sa tamang pakikisalamuha sa iba, lalo na sa mga nakatatanda at mga awtoridad. Ang paggalang ay hindi lamang sa salita, kundi sa mga gawa at kilos, tulad ng paggamit ng mga salitang "po" at "opo," pati na rin sa mga tradisyunal na galang tulad ng "mano." Ang pagpapakita ng paggalang ay nagbubukas ng daan para sa maayos at magalang na ugnayan sa pamilya, komunidad, at lipunan. Sa pamamagitan ng paggalang, napapalakas ang pagkakaisa, pagkakaintindihan, at pagmamahal sa isa’t isa, kaya't isang mahalagang bahagi ito ng araw-araw na buhay ng bawat Pilipino.
Ang paggalang ay isang kulturang Pilipino kung saan ito ay palaging ginagawa ng ating mga kapwang Pilipino, mahalagang tandaan na ang paggalang sa tao ay pundasyon ng isang maayos at mapayapa na lipunan. Maraming uri ng paggalang ang makikita sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, tulad ng paggamit ng mga salitang "po" at "opo" bilang tanda ng paggalang sa nakatatanda, gayundin ang pagmamano na simbolo ng pagbibigay-galang sa mga magulang at lolo't lola o sa mga kapwa na nakatatanda sa'tin. Ang paggalang ay hindi lamang pagiging magalang, kundi pati na rin ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng bawat isa.Ang paggalang sa tao ay nagsisimula sa ating sarili. Kapag iginagalang natin ang ating sarili, mas madali nating iginagalang ang iba. Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap sa ating mga kalakasan at kahinaan, at pagsisikap na maging mas mabuting tao.
Ang paggalang sa tao ay nagpapakita rin sa paraan ng ating pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa iba. Ito ay ang pagiging magalang sa ating mga salita at kilos, at ang pag-iwas sa panlalait, panghuhusga, at diskriminasyon.Sa pamamagitan ng paggalang sa tao, nagkakaroon tayo ng mas malakas na komunidad at mas mapayapang mundo. Tandaan na ang paggalang ay isang dalawang-daan na kalye. Kapag iginagalang natin ang iba, mas malamang na iginagalang din nila tayo.
Ito rin ang kulturang hindi nababago sa ating mga Pilipino,dahil ito ay importante sa atin dahil ito ay pagpapakita ng respeto sa ating mga kapwa.
Sa kabuuan, ang paggalang ay isang mahalagang haligi sa kulturang Pilipino na nagpapatibay ng pagkakaisa bilang isang lipunan. Ito ay hindi lamang naglalarawan ng mabuting asal o simpleng asal kundi simbolo rin ng pagpapahalaga sa bawat isa, mula sa pamilya, mga nakatatanda hanggang sa kapwa Pilipino at kalikasan. Sa pamamagitan nito, ipinapakita ang malalim na pag-unawa at pagmamahal sa tradisyon at kultura. Ang ganitong pag-uugali ay nagpapakita ng pagmamalahal sa kultura at tradisyon at nagsisilbing gabay upang magpatuloy ang magandang ugnayan sa kapwa at komunidad. Hindi lamang ito pagpapanatili ng tradisyon kundi susi rin sa pagpapatibay ng mas makatao, mapagmalasakit, matatag at may pagkakaisa na lipunan. Sa pagbabago ng panahon, ang pagpapasa ng paggalang sa mga susunod na henerasyon ay nagbibigay katiyakan sa buhay at buong kulturang Pilipino. Ito ay hindi lamang tradisyon kundi susi sa matatag at makataong lipunan, nagpapakita ng tunay na diwa ng pagiging Pilipino.